Recent update
STYLE NG MGA MANGINGINOM (moymoypalaboy style).
June 8th, 2009 by hazel0013
Tanggero>> basic, taga abot ng tagay.. da best kasabwat pag may gus2 kang lasingin.
Warfreak>> mga taong dapat di sinasama sa inuman, tablahin dapat, kumbaga nanghihiram ng tapang sa alak, mahilig magsimula ng gulo pati kasamang mababait nadadamay.. pero pag di lasing kala mo sinong anghel na tahimik.
Senti>> pag nalalasing nagdadrama bigla, tamang iiyak or emo mode kahit nasa kalagitnaan ng kasiyahan.. isang uri ng pagpapapansin, kaya dapat bigyang parangal.
Bangka>> laging bida sa inuman di nauubusan ng kwento.. dalawang klase ang bangka. Joker and Barber, ung Joker masarap kasama laptrip talaga ang tropa samantalang ang Barber is yung mga mahilig magkwento kahit walang sense na yung pinagsasabi, tokshit pa.. usapang lasing tawag dun.
Aircon>> nakakainis na kainuman. pag nakakainom lumalakas ang hangin sa paligid puro angas ang pinagsasasabi.. kamag anak din ito ng barber.
Split Personality>> yung tipong pag basag na nag iiba bigla ang ugali as in mega transform! pwedeng ok pdeng sablay depende din kung ano ang other side niya.. 2lad ng warfreak kala mo ambait bait pero pag nalasing ayun mainit na, meron naman ang sungit pero pag lasing galante na, meron din kala mo conservativ pero pag nabangag sumasayaw pa sa ibabaw ng lamesa. hehe
Sibat King / Queen>> mga taong biglang naglalaho kahit di pa tapos ang inuman.
Sleeping beauty>> madaling makatulog. resulta — madalas pagtripan.
Buraot>> wala na ngang ambag anglakas pa mamulutan. bwiset!
Videoke King / Queen>> wala nang paki sa mga nagaganap basta may mic, GO!
Nyakis>> dapat iwasan ng girls. feeling gwapo na, pag nakainom, worst case is nananantsing.. madalas magulpi. ingats!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
naranasan nio na ba magsumpa? as in sa sobrang kalasingan mo yung tipong di na tumitigil ang pag ikot ng paningin mo at sobrang bangag ka na. suka ka ng suka kahit wala nang maisuka.. and sabi mo sa sarili mo, ‘di na ko iinom. sinusumpa ko na to’..? pero kinabukasan ayun inom ulit. hahaha. bakit kaya ganon no?
Posted in Uncategorized | | |
