Recent update
Panliligaw-Manliligaw-Naliligaw
May 5th, 2009 by hazel0013
sang sulating tungkol sa panliligaw-manliligaw-prayer partner pick.
Naniniwala ka nga ba? Totoo ba ito?
Gusto mo ba manligaw?
Ganito ka ba manligaw?
Ganito ba sya manligaw?
Anong qualities meron siya?
Anong klase ng Prayer Partner ang pinag ppray mo?
ang dami kong nang tanong sayo bat di ka sumasgot!?
ha?!
SAGOT!!
ANO??!!
MAGSALITA KA! NAKIKINIG AKO.
game..
Mr. Gwapings
mayaman, gwapo, kilala at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na di sya mababasted kaya pag nabasted maaapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihin “sus kala mo kung sinong maganda eh pinagtyatyagaan ko lang naman sya.”
Mr. Fast Track
ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam sabihin kundi “kelan mo ba ko sasagutin?” o kaya “i love you na, ako ba hindi mo pa love?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.
Mr. Everything
linya nya ang “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magugustuhan mo. kahit pa ang buwan o kaya mundo.”
Mr. Take it or Leave it
pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at eto pa, hinding hindi ka nya papansinin. period.
Mr. Salesman
dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang mas
matindi sya mang-uto. KUNG BINEBENTAHAN KA NG BAHAY AT LUPA NYAN MALAMANG BUMILI KA NG LIMA
“KAHIT BA NASA PASO PA EH”
DAHIL SA GALING NYA SA “SALESTALK”
puro bola. mga linya niyang “KUNG MASAMA ANG MAHALIN KA.. MAGPAPAKASAMA AKO” at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang ng OO. mag ingat ka.
Mr. Good Dog
eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga.
Mr. Anonymous
motto nya ang “action speaks louder than words”. wala kang kaalam-alam na nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo.
Mr. Second Chance
sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya pa rin ay “please give me a second chance”
Mr. Romantiko
jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at kahit magmukha ng TINDAHAN NG BULAKLAK ANG BAHAY NYO AT MAGKA-DIABETES KA NA ay lagi pa din s’ya may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw sa’yo.
pero madalas nakakapagpakilig s’ya ng nililigawan nya dahil sa kanyang ‘malinis na hangarin’
—–
Kaya para sa mga taong nanliligaw, nagbabalak manligaw, nililigawan,
naliligaw, nag-hihintay maligawan at nagbabalak lumagay sa mga ganitong
sitwasyon:
Ang love ay hindi minamadali, hindi pinipilit at lalong hindi kina-career..
PAANO MO BA NASABING KAILANGAN MO NA NGA SIYA LIGAWAN? PANO MO BA NASASABING PWEDE KA NA MAG PALIGAW?
* Dahil ba natutuwa ka sa kanya?
* O kaya naman naaaliw ka?
* Naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya?
* Kinikilig ka ba pag nakikita mo siya?
* At naha-high kapag naririnig mo na ang boses niya?
Eh teka muna, baka naman na-IMPACHO ka lang este.. INFATUATED ka lang o dahil kakaiba siya, may spark na hindi mo maintindihan.
Naniniwala ako na sa “panliligaw” or tinatawag kong Intimate Mutual Quality Time (anu daw? nosebleed! haha.) ay mas nakikilala mo ung isang tao.
pero ito isang illustrasyon:
pag bibili ka ng libro? anong ginagawa mo?… hindi bat binabasa mo muna ung Summary Outline and Comments sa Likod?
Tiningnan mo ung Background ng Storya at nung Author.
* Madali ba siyang mapikon?
* Pano ba siya mabadtrip?
* Ano history ng buhay pagibig nya?
* etc.
Mga bagay na alam mo na bilang kaibigan.
mga simpleng bagay oo, pero ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya, yun ang totoong siya. Maniwala ka.
NGAYON, KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN?
* Sa lahat ng trip niya sa buhay
* Sa lahat ng katopakan niya
* Sa lahat ng pag-iinarte at pag-dadrama niya
* Sa lahat ng naiisip niya
* Sa lahat ng sasabihin niya
* Sa kilos niya
* Sa pananamit
* Sa pagsasalita
* Sa pananaw niya sa buhay
* Sa pagtrato niya sa tao
* Sa lifestyle niya
* Sa uri ng pamilyang meron siya
* Sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya
* Sa style niya pagdating sa love
* Sa kasweetan niyang natural
* Sa paglalambing niya
* Sa tawa niyang pagkalakas-lakas
* Sa manners niya
* Sa bisyo niya (damit, o pagkain, yosi, alak, etc.)
* Sa mga pang-aasar niya sayo
* Sa style niya pagdating sa pagsolve ng problema
AT, KAYA MO BANG MAGING TOTOO?
* Kaya mo bang makita yung sarili mo na kasama pa rin siya sa isang sitwasyong pag naisip mo eh mapapaiyak ka na lang sa sakit nang dahil din sa kanya?
* Kaya mo bang magmukhang ewan, umiyak ng dahil sa kababawan, ibuhos ang mga nararamdaman mo kahit na puro kababawan nga lang naman sa harapan niya?
In short,
KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA?
Yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga dahil alam mong HINDI MO LANG SIYA TANGGAP, TANGGAP KA RIN NIYA. BUONG-BUO.
MGA TAO.
Tama na kasi ang trip.
Oo, masarap ngang mainvolve sa isang tao, pero diba mas masarap yun LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNG NARARAMDAMAN MO.
NANLILIGAW KA BA TALAGA O NALILIGAW KA LANG NG LANDAS?
BAKA KAILANGAN MO PA NG “DIRECTIONS” PAPUNTA SA PUSO NYA?
BAKA KAILANGAN MO PA NG “DIRECTIONS” PARA MAKITA ANG LAMAN TALAGA NG PUSO MO?
ALAMIN MO ANG TUNAY NA NARARAMDAMAN MO
ano sure ka na?..
Posted in Uncategorized | | |

on May 22nd, 2009 at 3:25 am
whoa…
ikw b yn hazel?..
ibng iba na tema ng blog mu ah..
ano?dhil ba to kay *crush*..?
hekhek..bitter ka rin?
on May 22nd, 2009 at 5:55 pm
bitter? hndi naman.. hahah. wla lng, wa ako mgawa eh, di nagpost ako ng somethng new. hahah