Recent update
Mga Tips Sa Inuman
April 24th, 2009 by hazel0013
Karamihan sa atin, mahilig uminom (hindi lang ng tubig at softdrinks ha). Para bang kakaibang ligaya ang ating nararamdaman sa tuwing humahaplos sa ating mga lalamunan ang lasa ng red horse, sanmig light/strong ice, martini, gsm, wengweng, emperador at iba pang mga alak at beer. Tila nalilimutan ang lahat ng problema at pansariling kaligayahan o kung hindi man, kaligayahan ng buong tropa ang nagiging sentro ng buhay. Kadalasang nangyayari ang mga inuman sessions kapag birthday, binyag, reunion, party o kahit trip-trip lang. Lalo na ngayong kapaskuhan na kung saan, kabi-kabila ang kasiyahan. Pero bago pa humaba ang introduction ko, sisimulan ko na ang tunay na motibo ng artikulong ito: mga tips sa inuman
1. Unang una, ilagay ang alak sa tiyan at hindi sa utak. Wag namnamin ang amoy ng alak at lunukin agad, wag patagalin sa bunganga.
2. Huwag masyadong madaldal. Ok lang kung wala kang itinatago at ikinahihiya. Pero kung malihim kang tao, tumahimik ka muna. Hindi mo alam kung ano’ng pwede mong sabihin kapag nakainom ka na. Huwag na huwag ninyo’ng gagayahin ang may akda na kapag nalalasing ay nagbubulgar ng sikreto.
3. Maghanda ng plastic o timba sakaling mag-ala slapshock (sumuka) ka na. Hindi mo nasisiguro na walang tao sa restroom kapag nararamdaman mo na gusto’ng lumabas ang lahat ng ininom mo sa tiyan mo.
4. Huwag kagad hihiga matapos uminom. Magtitrigger ito ng pagsusuka. Magmumuka lamang bulkang mayon ang bibig mo na bumubuga ng lava.
5. Hanggat maari, isabay ang pag-inom ng alak sa pag-inom ng tubig. Sabi ng mga kainuman ko, makakatulong daw to para di masyadong maabsorb ng katawan mo ang alcohol. Pero para ka naman tanga at makakantiyawan na loser!
6. Kung sakaling lasing na, alamin ang daan pauwi.
7. Iwasan ang pagiging senti. Sisirain mo lamang ang kasiyahan. Hindi nakatutok sa iyo ang mundo. Baka next time hindi ka na isama sa inuman.
8. Magdala ng camera para sa cum (cam) shots! Manguha ng mga pictures ng mga nakakatuwang eksena ng iyong tropa habang kayo’y umiinom. Maghanap ng magandang eksena tulad ng pagsasayaw ng isa nyong kaibigan, paghahalikan, at pagsusuntukan.
9. Kung hindi ka naman umiinom pero kasama ka naman sa barkada, mag-bottomless iced tea ka na lang. Maki-cheers ka na rin para di ka naman out of place. At sakyan lang ang mga magiging kantiyaw ng tropa.
10. Siguraduhing may pambayad. Wag iasa sa tropa ang pagbabayad sa mga nainom na alak. Hindi na uso ang libre. Maliban na lang kung nagvolunteer ang isa sa inyo na siya na ang sasagot sa bill. Wag masyadong maging makapal ang mukha.
At yan ang ilan lamang sa mga walang kwentang tips sa inuman. Hanggang sa susunod na post. Haha.
credits: damuhan.blogspot.com
Posted in Uncategorized | | |
