Recent update

Subscribe to RSS feed

Paano Magsinungaling

April 24th, 2009 by hazel0013

Hindi ka ba marunong magsinungaling? Nahihirapan o natatakot ka bang malaman ng iba na ika’y nagsisinungaling lang? Pwes heto ang ilang sa mga tips para maging epektibo ang pagsisinungaling mo.

1. Magkaroon ng eye contact - tumingin ng diretso sa mga mata ng pinagsisinungalingan mo. Sa ganitong paraan, magmumukha kang nagsasabi ng totoo. Pero kung talagang hirap ka, tumingin ka sa ilong. Magmumukha ka ring nakatitig sa mata ng kausap ng mo gamit ang ganintong pamamaraan.

2. Be consistent - para maging epektibo, wag pabagu-bago ng kwento. Makakabuting gumawa ng script para sa iyong kwento. Imemorize at huwag kalimutan ang kaliit-littang detalye.

3. Be confident - huwag magpahalatang kinakabahan. Isiping para ka lang nasa final interview. Huwag nerbiyosin.

4. Huwag magwalk-out pagkatapos magsinungaling para di ka mahalata. Matapos magawa ang balak, sumimple lang ng dahan-dahang pag-alis sa crime scene.

5. Lastly, huwag magpapahuli! Ito ang katapusan ng iyong career bilang isang sinungaling pag nahuli ka.

At iyan ay ilan lamang sa mga tips. Mas maraming magaling magsinungaling kesa sa akin kaya yan lamang ang aking inilathala. Para sa iba pang tips, kumunsulta sa mga abogado, politiko at mga showbiz personalities.

Posted in Uncategorized | | | 1 Comments

Mga Uri Ng Mangiginom

April 24th, 2009 by hazel0013

Napansin ko na tuwing mayroong inuman, lumalabas ang mga karakter ng bawat indibidwal lasing man o hindi. Mga iba’t ibang personalidad. Mga iba’t ibang paguugali. Narito ang iba’t ibang uri ng manginginom. Maaaring may ibang tao na kumbinasyon ng mga nabanggit.

THE PLAYMAKER - Sya ang laging tanggero sa inuman, at minamsadan bawat kilos nyo!

PASSAGE - mhilig mgpass ng tagay.

THE HIKER - plipat-lipat ng pwesto, iwas tagay.

THE DENIAL - ngpapaanggap na kya pA kahit senglot na.

KID SENTI - mdming naaaLala pg nkainum na.

THE FUGITIVE - umuuwi ng walang paalam,nglalahong prang bula.

KUNG FU - KUNG FUmulutan mlupet,tirador ng pulutan, ginagawang picnic.

THE CH0SEN 0NE - official runner sa tindahan, bli yelo, yosi, alak.

UWIHI - iihi kunwari pero uuwi na pala.

THE BOXER - pag lasing, bigla na lang nanununtok, mabibigla k n lng.

SEX FINDER - nghahanap ng mayayari kpaglasing!

DEADMAN DRINKER - unang nlalasing.

THE ORIGINALS - lage mong katagay.

Kaw? Cno ka jan?

credits to: damuhan.blogspot.com

Posted in Uncategorized | | | 0 Comments

Mga Tips Sa Inuman

April 24th, 2009 by hazel0013

Karamihan sa atin, mahilig uminom (hindi lang ng tubig at softdrinks ha). Para bang kakaibang ligaya ang ating nararamdaman sa tuwing humahaplos sa ating mga lalamunan ang lasa ng red horse, sanmig light/strong ice, martini, gsm, wengweng, emperador at iba pang mga alak at beer. Tila nalilimutan ang lahat ng problema at pansariling kaligayahan o kung hindi man, kaligayahan ng buong tropa ang nagiging sentro ng buhay. Kadalasang nangyayari ang mga inuman sessions kapag birthday, binyag, reunion, party o kahit trip-trip lang. Lalo na ngayong kapaskuhan na kung saan, kabi-kabila ang kasiyahan. Pero bago pa humaba ang introduction ko, sisimulan ko na ang tunay na motibo ng artikulong ito: mga tips sa inuman

1. Unang una, ilagay ang alak sa tiyan at hindi sa utak. Wag namnamin ang amoy ng alak at lunukin agad, wag patagalin sa bunganga.

2. Huwag masyadong madaldal. Ok lang kung wala kang itinatago at ikinahihiya. Pero kung malihim kang tao, tumahimik ka muna. Hindi mo alam kung ano’ng pwede mong sabihin kapag nakainom ka na. Huwag na huwag ninyo’ng gagayahin ang may akda na kapag nalalasing ay nagbubulgar ng sikreto.

3. Maghanda ng plastic o timba sakaling mag-ala slapshock (sumuka) ka na. Hindi mo nasisiguro na walang tao sa restroom kapag nararamdaman mo na gusto’ng lumabas ang lahat ng ininom mo sa tiyan mo.

4. Huwag kagad hihiga matapos uminom. Magtitrigger ito ng pagsusuka. Magmumuka lamang bulkang mayon ang bibig mo na bumubuga ng lava.

5. Hanggat maari, isabay ang pag-inom ng alak sa pag-inom ng tubig. Sabi ng mga kainuman ko, makakatulong daw to para di masyadong maabsorb ng katawan mo ang alcohol. Pero para ka naman tanga at makakantiyawan na loser!

6. Kung sakaling lasing na, alamin ang daan pauwi.

7. Iwasan ang pagiging senti. Sisirain mo lamang ang kasiyahan. Hindi nakatutok sa iyo ang mundo. Baka next time hindi ka na isama sa inuman.

8. Magdala ng camera para sa cum (cam) shots! Manguha ng mga pictures ng mga nakakatuwang eksena ng iyong tropa habang kayo’y umiinom. Maghanap ng magandang eksena tulad ng pagsasayaw ng isa nyong kaibigan, paghahalikan, at pagsusuntukan.

9. Kung hindi ka naman umiinom pero kasama ka naman sa barkada, mag-bottomless iced tea ka na lang. Maki-cheers ka na rin para di ka naman out of place. At sakyan lang ang mga magiging kantiyaw ng tropa.

10. Siguraduhing may pambayad. Wag iasa sa tropa ang pagbabayad sa mga nainom na alak. Hindi na uso ang libre. Maliban na lang kung nagvolunteer ang isa sa inyo na siya na ang sasagot sa bill. Wag masyadong maging makapal ang mukha.

At yan ang ilan lamang sa mga walang kwentang tips sa inuman. Hanggang sa susunod na post. Haha.

credits: damuhan.blogspot.com

Posted in Uncategorized | | | 0 Comments

  • CALENDAR. duh?

    April 2009
    S M T W T F S
    « Mar   May »
     1234
    567891011
    12131415161718
    19202122232425
    2627282930  
  • Archives

  • Categories

  • Recent Comments

  •